Naisip mo na ba kung ano ang mangyayari kung biglang may sakit ka, nawalan ka ng trabaho, o may nasirang appliance sa bahay? Karamisan sa atin ang sagot doon ay “uutang muna.” Pero paano kung wala kang mauutangan? O paano kung ayaw mo nang umasa sa iba?
Doon pumapasok ang emergency fund.
Ano ba ang Emergency Fund?
Ang emergency fund ay pera na nakatabi mo para sa mga hindi inaasahang gastos. Hindi ito para sa bakasyon, hindi para sa bagong phone, at hindi para sa sale sa Shopee. Para lang talaga ito sa tunay na emergency.
Halimbawa:
- Biglaang ospital o gamot
- Nawalan ng trabaho
- Nasirang sasakyan o appliance
- Biglaang paglalakbay dahil sa pamilya
Bakit Kailangan Ko Nito?
Marami sa atin ang nag-iisip na kaya naman tayong umutang kapag may emergency. Pero ang problema sa utang ay may kasamang interest at stress. Ang emergency fund ay parang sarili mong lifeline na hindi ka magbabayad ng dagdag para gamitin.
Isang simpleng katotohanan lang: hindi natin alam kung kailan darating ang problema. Ang mahalaga ay handa tayo kapag dumating ito.
Magkano ang Dapat na Laman ng Emergency Fund?
Ang pangkaraniwang advice ng mga financial experts ay mag-ipon ng katumbas ng 3 to 6 months ng iyong monthly expenses.
Halimbawa kung ang gastos mo ay ₱10,000 bawat buwan, ang target mo ay:
- Minimum: ₱30,000 (3 months)
- Ideal: ₱60,000 (6 months)
Mukhang malaki, oo. Pero hindi mo kailangang abutin iyon agad. Ang importante ay magsimula ka.
Paano Simulan ang Emergency Fund
Step 1: Alamin ang Monthly Expenses Mo
Kalkulahin kung magkano ang gastos mo sa isang buwan. Kasama doon ang pagkain, bills, transpo, at iba pang regular na gastos. Iyon ang magiging basis ng iyong target.
Step 2: Magtakda ng Unang Target
Huwag muna mag-focus sa 3 to 6 months agad. Simulan mo sa ₱5,000 o ₱10,000 lang. Kapag naabutan mo na iyon, itaas mo pa ang target.
Step 3: Mag-open ng Separate Account
Huwag isama ang emergency fund sa iyong regular na account. Mas maganda kung nasa hiwalay na account ito para hindi ka matukso na gastusin. Pwede kang gumamit ng:
- Maya Savings na may hanggang 3.5% interest per year
- Tonik Bank na may hanggang 4% interest per year
- GoTyme na madaling buksan gamit lang ang phone mo
Step 4: Mag-set Aside Agad Pagdating ng Sweldo
Bago mo gastusin ang sahod mo, ilipat mo agad ang para sa emergency fund. Kahit ₱500 o ₱1,000 lang sa simula, okay na iyon. Ang ugali ang mas mahalaga kaysa sa halaga.
Step 5: Huwag Galawin Maliban sa Tunay na Emergency
Ito ang pinakamahirap na part. Kapag nakita mo na ang lumalaking balance mo, matutukso kang gumastos. Laging tandaan kung para saan ang pera na iyon.
Gaano Katagal Bago Maabot ang ₱10,000?
| Monthly Savings | Months to reach ₱10,000 |
|---|---|
| ₱500 | 20 months |
| ₱1,000 | 10 months |
| ₱2,000 | 5 months |
Hindi kailangang mabilis. Ang importante ay tuloy-tuloy.
Ano ang Gagawin Ko Kapag Nagamit Ko ang Emergency Fund?
Normal lang na magamit ito kapag may totoong emergency. Huwag kang mag-alala. Pagkatapos ng emergency, simulan mo ulit mag-ipon para mapuno ang nawala. Iyon ang punto ng emergency fund, para magamit kapag kailangan.
Magsimula Na Ngayon
Kahit ₱100 lang ang simula mo ngayon, mas mabuti pa iyon kaysa wala. Ang emergency fund ay hindi tungkol sa kung magkano ang mayroon ka ngayon. Tungkol ito sa ugali ng pag-iihanda para sa hindi inaasahan.







Leave a Reply