Isa sa mga madalas itanong ng mga Pilipino sa ibang bansa ay kung pwede pa rin silang mag-GCash kahit wala silang Philippine SIM. Ang magandang balita, meron nang dedicated service para dito, ang GCash Overseas.
Ano ang GCash Overseas?
Ang GCash Overseas ay isang bersyon ng GCash na ginawa para sa mga Pilipinong nakatira, nagtatrabaho, o nag-aaral sa ibang bansa. Sa halip na Philippine mobile number, pwede kang mag-register gamit ang iyong non-Philippine number — ibig sabihin, gamit mo ang SIM card mula sa bansa kung saan ka ngayon.
Ginawa ito para sa mga Pilipinong kailangang mag-manage ng pera na konektado sa Pilipinas kahit nasa ibang bansa sila.
Ano ang Magagawa Mo sa GCash Overseas?
- Magbayad ng bills sa Pilipinas
- Magpadala ng pera sa ibang GCash users o diretso sa Philippine bank accounts
- Mag-apply para sa GSave, ang savings account feature ng GCash na powered by CIMB Bank Philippines, na may around 2.3% annual interest, walang minimum deposit, at walang maintaining balance
Paano Mag-register sa GCash Overseas
Step 1: I-download ang GCash App
Available ito sa App Store at Google Play Store, kahit saan ka man mag-download basta sinusuportahang bansa ang lokasyon mo.
Step 2: I-type ang Iyong Non-PH Mobile Number
I-tap ang Get Started at ilagay ang iyong current mobile number galing sa bansa kung saan ka nakatira.
Step 3: Ilagay ang OTP
Makakatanggap ka ng 6-digit OTP sa iyong text messages. Karaniwan itong galing sa “GCash,” pero sa Singapore halimbawa, ang sender ay “NXSMS.”
Step 4: Punan ang Iyong Personal Details
I-fill in ang iyong buong pangalan, birthday, at iba pang requested information.
Step 5: Mag-set ng MPIN
Ito ang magiging password mo para sa mga transactions sa app.
Step 6: I-review at I-confirm
Tingnan mo ulit ang lahat ng ilagay mo bago i-submit.
Verification
Katulad ng regular GCash, kailangan mo pa ring mag-verify ng iyong account gamit ang valid ID at selfie para ma-unlock ang mas mataas na transaction limits. Ang proseso ay ginagawa sa loob mismo ng app.
Tandaan na maaaring mag-iba ang specific na requirements depende sa bansa kung saan ka nag-re-register, kaya bantayan mo ang mga instructions na lalabas habang nagre-register ka sa app.
Bakit Ito Maganda para sa mga Pilipino sa Abroad?
Madali mag-send ng suporta sa pamilya
Sa halip na umasa lang sa remittance centers, pwede kang direktang magpadala ng pera sa GCash account ng pamilya mo sa Pilipinas.
Pwede pa ring magbayad ng bills sa Pilipinas
Kung may bills ka pa rin sa Pilipinas, halimbawa kuryente o internet sa bahay na inaalagaan ng pamilya mo, pwede mo itong bayaran diretso sa app.
May savings option pa rin
Sa pamamagitan ng GSave, pwede ka pa ring mag-ipon sa pesos habang nasa ibang bansa ka.







Leave a Reply