Gusto mong mag-ipon pero hindi mo alam kung saan magsisimula? O baka nasubukan mo na pero hindi mo natuloy? Ito ang challenge para sa iyo. Simple, doable, at hindi kailangan ng malaking pera para magsimula.
Ano ang 30-Day Ipon Challenge?
Simple lang ang concept. Sa loob ng 30 days, mag-se-set ka ng goal na amount na gusto mong ma-ipon. Bawat araw, maglalagay ka ng kahit maliit na halaga hanggang sa maabot mo ang iyong target sa end ng buwan.
Hindi kailangan malaki ang simula. Kahit ₱20 o ₱50 lang bawat araw, ang importante ay may naitatabi kang pera araw-araw at nakikita mo ang progress mo.
Bakit Dapat Subukan ang Challenge na Ito?
Marami sa atin ang gustong mag-ipon pero ang problema, hindi tayo nagsisimula. Lagi na lang “bukas na” o “kapag may extra na.” Ang 30-Day Ipon Challenge ay isang paraan para pilitin ang sarili mo na magsimula ngayon, kahit maliit lang.
At kapag nakita mo ang progress mo araw-araw, mas ma-motivate ka pang magpatuloy. Iyon ang magic ng challenge na ito.
Paano Ito Gagawin
Para mas madali ang challenge, gumawa kami ng FREE tracker para sa iyo. Excel file ito na automatic na ang lahat ng computation. Hindi mo na kailangang mag-calculate ng kahit ano.
Kasama dito:
- Auto-fill na Date — i-type mo lang ang Start Date mo at automatic na ang lahat ng petsa
- Auto-fill na Target bawat araw — i-type mo lang ang Goal mo at hahati-hatiin ito sa 30 days para sa iyo
- Progress tracker — makikita mo agad kung ilang percent na ang natapos mo
- Summary section — kasama ang total na naipon, bilang ng araw na nakaipon, at pinaka-malaki at pinaka-maliit na naipon
Paano Gamitin ang Tracker
Step 1: I-download ang file
I-click ang download button sa ibaba at i-save ang file sa iyong phone o computer.
Step 2: Buksan ang file
Pwede mong buksan ito sa Microsoft Excel, Google Sheets, o kahit sa WPS Office kung nasa phone ka.
Step 3: Fill in ang Info Section
I-type ang iyong pangalan, Goal na amount, at Start Date. Kapag ginawa mo iyon, automatic na ang Target at Date para sa bawat araw. Hindi mo na kailangang kalkulahin pa.
Step 4: Simulan ang Challenge
Bawat araw, ilagay ang nai-ipon mo sa Na-ipon column at i-type ang YES sa Done column. Iyon lang!
Tips para Mas Matagumpay ang Challenge
Mag-ipon agad pagdating ng sweldo
Huwag hintayin ang “extra” na pera. Kapag dumating ang sahod mo, mag-set aside agad ng para sa ipon bago mo pa gastusin ang iba.
Gawing separate ang ipon mo
Huwag isama ang iniipon mo sa regular na account mo. Pwede kang gumamit ng GCash savings, Maya, o isang hiwalay na bank account para hindi mo basta-basta magastos.
Huwag mag-stress sa missed days
May araw na hindi ka makakaipon at okay lang iyon. Ang importante ay hindi ka susuko at magpapatuloy ka kinabukasan.
I-celebrate ang progress mo
Kahit maliit ang naipon mo, i-celebrate mo iyon. Ang habit ng pag-ipon ay mas importante kaysa sa laki ng amount sa simula.
I-download ang FREE Tracker
Handa ka na ba? I-click ang button sa ibaba para ma-download ang iyong 30-Day Ipon Challenge Tracker. Libre ito, walang sign-up, direct download na agad!





Leave a Reply