May utang ka ba ngayon na parang walang katapusan? Credit card, personal loan, o kahit 5-6 — lahat ng utang ay nakaka-stress lalo na kapag hindi mo alam kung kailan mo mababayaran. Kaya naman gumawa kami ng libreng Debt Payoff Tracker para sa iyo. I-track mo ang bawat utang, makita ang progress mo, at malaman kung kailan ka magiging debt-free.
Ano ang Debt Payoff Tracker?
Ang Debt Payoff Tracker ay isang Excel file na tumutulong sa iyo na i-monitor ang iyong mga utang buwan-buwan. Hindi lang ito para malaman kung magkano pa ang natitira — makikita mo rin kung magkano ang interest na binabayaran mo at kung gaano ka na ka-progress patungo sa debt-free life.
Ano ang Nasa Loob ng Tracker?
Instructions Tab
Ang unang tab ay para sa mga instructions. Bago ka magsimula, basahin mo ito para alam mo kung paano gamitin ang tracker nang tama.
Debt Tabs
May dalawang debt tabs na kasama — Debt 1 at Debt 2. Bawat tab ay para sa isang utang. Kung may tatlo o higit pang utang ka, madali mo itong ma-duplicate para gumawa ng bagong tab.
Automatic na Computation
I-type mo lang ang iyong Debt Name, Total Amount, Monthly Payment, Interest Rate, at Start Date. Automatic na ang lahat pagkatapos noon:
- Date bawat buwan
- Beginning Balance
- Interest Charged bawat buwan
- Monthly Payment
- Ending Balance
Summary Section
Sa tuktok ng bawat debt tab, makikita mo ang:
- Total na utang
- Total na interest sa buong loan term
- Total na nabayaran mo na
- Remaining balance
- Progress mo in percent
Paid? Dropdown
Bawat buwan ay may dropdown na Paid o Not Yet. I-click mo lang at piliin ang Paid kapag nabayaran mo na ang buwan na iyon.
Paano Gamitin ang Tracker
Step 1: I-download ang file
I-click ang download button sa ibaba at i-save ang file sa iyong phone o computer.
Step 2: Buksan ang file
Pwede mong buksan ito sa Microsoft Excel, Google Sheets, o WPS Office.
Step 3: Basahin ang Instructions tab
Huwag preskipin ito. May step-by-step guide doon kasama ang tips kung paano mas mabilis mababayaran ang utang mo.
Step 4: Pumunta sa Debt 1 tab
I-fill in ang info section — Debt Name, Total Amount, Monthly Payment, Interest Rate, at Start Date. Automatic na ang lahat pagkatapos noon.
Step 5: Mag-update bawat buwan
Bawat buwan na nabayaran mo, i-click ang Paid? column at piliin ang Paid. Iyon lang ang kailangan mong gawin.
Step 6: Kung may maraming utang
I-right click ang Debt 1 o Debt 2 tab at piliin ang Move or Copy para gumawa ng bagong tab para sa bawat utang.
Tips para Mas Mabilis Mabayaran ang Utang
Magbayad ng higit sa minimum
Kung kaya mo, magbayad ng dagdag sa iyong monthly payment. Kahit ₱500 lang ang extra, malaki ang epekto nito sa total interest na babayaran mo at mas mabilis mauubos ang principal.
Gamitin ang Avalanche Method
Kung may maraming utang ka, i-focus ang extra payment sa utang na may pinakamataas na interest rate. Ito ang pinaka-efficient na paraan para mabawasan ang total interest na babayaran mo.
O gamitin ang Snowball Method
Kung kailangan mo ng motivation, bayaran muna ang pinakamaliit na utang. Kapag naubos mo iyon, ilipat ang payment na iyon sa susunod na utang. Parang snowball na lumalaki habang tumatakbo.
Huwag gumawa ng bagong utang
Habang nagbabayad ka, huwag mag-loan ulit. Focus muna sa mabayaran ang kasalukuyan bago mag-isip ng bago.
I-download Na!
Handa ka na bang simulan ang iyong debt-free journey? I-click ang button sa ibaba para ma-download ang iyong libreng Debt Payoff Tracker. Walang sign-up, direct download agad!





Leave a Reply